Home NATIONWIDE Christmas convoy boat nasa Lawak Island na

Christmas convoy boat nasa Lawak Island na

MANILA, Philippines- Nakalusot ang isa sa mga bangkang kasama sa “Christmas convoy” sa West Philippine Sea, sa Chinese vessels at dumating sa Lawak Island nitong Lunes ng umaga, ayon sa koalisyon na nag-organisa ng misyon.

“ATIN ITO’s supply boat slipped pass through Chinese marine vessels arriving at Lawak Island on 11,” pahayag ng ATIN ITO Coalition.

“December, 5:00 am. Nakalusot! They are now in the process of dropping off donations and supplies with the help of frontliners stationed in the area,” dagdag nito.

Kinumpirma naman ni National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson Jonathan Malaya na dumating na ang isa sa Christmas convoy boats sa Lawak Island.

“Yes. Nakalusot yung isang supply ship nila to Lawak Island,” aniya.

Inisyal na pinutol ng ATIN ITO ang misyon matapos silang buntutan ng Chinese vessels nitong Linggo.

Kasunod din ito ng ulat ng paggamit ng Chinese vessels ng water cannon sa Philippine vessels na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Nauna nang naghayag ng suporta ang ilang bansa–United States, Australia, Japan, at Canada — para sa Manila at kinondena ang aksyon ng China sa ilang naiulat na insidente ng harassment laban sa Philippine vessels ngayong taon. RNT/SA

Previous articleUS, EU envoys nabahala sa pag-atake ng Tsina sa Christmas convoy
Next articlePanibagong transport strike nakaamba