Home NATIONWIDE CICC sa online sexual abuse cases sa Pinas: It’s not good

CICC sa online sexual abuse cases sa Pinas: It’s not good

MANILA, Philippines- Inihayag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagkabahala sa dumaraming kaso ng online sexual abuse at exploitation sa Pilipinas, at binigyang-diin na kailangang paigtingin ang information drive laban dito.

“Mataas na iyong OSAEC numbers ng Pilipinas, we are number one in the world. And it’s not good,” pahayag ni CICC Deputy Executive Director Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay sa isang panayam.

“Turuan natin ang mga tao, magkaroon ng other alternatives instead of having to be number one in OSAEC cases,” patuloy niya.

“Itinuturo natin sa kanila in their language kung ano iyong ginagawa nila, kung ano iyong ginagawa nila na mali at tama, and then, binibigyan natin sila ng technology skills ‘no, para mabigyan sila ng other sources of income. And then, confluence is patuloy na pagbigay sa kanila ng impormasyon at pagtanong kung anong kalagayan nila,” ayon pa kay Magsaysay.

Isa ang mga kaso ng online sexual abuse at exploitation sa “tens of thousands” na cybercrimes na naiulat sa Pilipinas, batay sa CICC. Kabilang din dito ang financial crimes at scams.

“From DTI alone, when pandemic started, they had 15,000 complaints… And there are about a few thousand more reports from the PNP, and also in the SEC, medyo may karamihan din iyong mga problema sa scamming, financial crimes ‘no. So, on all government offices na mayroong involvement sa public, sabihin na lang natin tens and tens and tens of thousands of reports are received,” ani Magsaysay.

Upang asistihan ang mga Pilipino sa pag-uulat ng cybercrimes, nagtatag ang CICC ng 68 dedicated inter-agency response centers. Sinanay din nito ang 10,000 tauhan ng gobyerno at sinikap na paghusayin ang koordinasyon sa counterparts sa ibang bansa.

“Para proteksyunan ang 98 million Filipinos online, we have the Inter-Agency Response Center, which is now undergoing an ISO 27001 sapagkat gusto natin maayos lahat at international class at international capability ang ating inter-agency. Siyempre ang tao saan tatawag, saan hihingi ng tulong – so, mayroon tayong dedicated 68, internally iyan, hindi ho tayo kumukuha ng vendor, trineyn [trained] natin iyan, kapag ikaw ang tumawag at nagri-report ka ng cybercrime okay, iyong sinasabi mo doon sa taong nakikinig – pruweba na iyan eh, salaysay na iyan eh. So, kailangan ang tumatanggap noon highly skilled kaya dapat po empleyado ng gobyerno hindi vendor o ipa-farm out mo sa isang call center. Iyong sa atin po, nagtatala na po iyan ng ebidensiya – ang tawag diyan digital evidence,” paglalahad ni Magsaysay.

“We have trained 10,000 government officials in their ITs to setup their own SOCs para maisi-segregate natin iyan tapos mayroon na ring exchange of information para kapag nagri-report po sila ng mga nangyayari po sa kanila diretso na ho dito sa atin. So, inalagaan natin ang online inter-agency level,” dagdag niya.

“Ang CICC po ay nagkaroon ng 100 bilaterals… para ang cross-border na very unique trait ng being online ay magkaroon po tayo ng komunikasyon sa mga 100 bansang ito para respetuhin po nila ang mga Pilipino online, respetuhin nila ang skill sets ng Pilipinos online and alam mo na para madali ang investigative procedures na mayroon tayong relasyon sa 100 bansang ito,” wika pa niya. RNT/SA

Previous articlePagpapalaya sa mga guro sa admin tasks iniatas ng DepEd
Next articleOil tanker lumiyab sa tama ng missile ng Houthi