Home NATIONWIDE CIDG: 11.5K kriminal arestado, 9 terror financing case isinampa noong 2023

CIDG: 11.5K kriminal arestado, 9 terror financing case isinampa noong 2023

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na nakaaresto sila ng 11,588 sa 11,424 na operasyon noong 2023.

Kabilang sa mga inaresto ang 54 na lider at 442 miyembro ng criminal gangs at 125 komunista at lokal na teroristang grupong miyembro, iniulat ni CIDG chief Maj. Gen. Romeo Caramat Jr. sa kanilang 71st founding anniversary rites sa Camp Crame, Quezon City ngayong Biyernes, Enero 19.

Nagsampa rin ang CIDG ng siyam na kaso ng terrorism financing.

“Sa loose firearms, total 1,370 operations ang ginawa na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 1,990 loose firearms, 435 explosives, at 41,244 assorted ammunition,” aniya sa kanyang talumpati.

Sa kampanya laban sa iligal na sugal, nakumpiska ng mga ahente ng CIDG ang mahigit PHP3.9 milyong halaga ng bet money at inaresto ang 2,522 suspek sa 1,072 police operations.

Ang CIDG ay mayroong 1,932 imbestigador na nagpapatakbo ng anim na espesyal na operating unit at 17 regional field units.

Ipinagdiwang din ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, ang panauhing pandangal at tagapagsalita ng kaganapan, ang mga nagawa ng CIDG sa unang linggo lamang ng Enero — ang pag-aresto sa 141 wanted na tao at isang miyembro ng komunistang New People’s Army sa 147 na operasyon.

Kinilala niya ang CIDG bilang katuwang ng National Prosecution Service sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad at hustisya. RNT

Previous articleSen. Jinggoy abswelto sa plunder
Next articleMetro Manila may pinakamalalang trapik sa 2023