Cimatu, inirekomendang panatilihin ang Cebu City sa ilalim ng ECQ

Cimatu, inirekomendang panatilihin ang Cebu City sa ilalim ng ECQ

June 30, 2020 @ 10:53 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Environment Secretary Roy Cimatu na manatili ang Cebu City sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) pagkatapos ng June 30.

“We have to maintain the quarantine level [in Cebu City]. Iyan ang recommendation ko kasi we need to stop the bleeding,” ani Cimatu sa isang panayam.

“Tumataas ang COVID-19 cases, tumataas ang number of deaths. Pinakamalaki nung isang araw, 13 deaths. Saka sa NCR (National Capital Region), 18 out of 100 lang na na-swab test ang positive. Dito, lampas 30%,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Cimatu na tutukuyin niya ang pinagmulan ng pagdami ng kaso ng COVID-19 hanggang sa pahirapang pagsunod sa ECQ protocols.

“Evident reason talaga [ng pagtaas] iyong pagpunta ng OFWs kasi ginawa itong transit area, saka iyong mga [arrival ng] stranded [individuals] from Manila,” giit pa ni Cimatu.

Bubuuin aniya ang mas malalaking quarantine facilities.

“We have to stop this, kaya iyong isolation facility ilalayo natin sa barangays,” lahad pa nito. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...