MANILA, Philippines – KASABAY ng paggunita ng bansa sa National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong Hulyo, pinuri ng Civil Service Commission (CSC) ang walang patid na dedikasyon ng mga civil servant na nakikibahagi sa disaster risk reduction and management (DRRM) na gumaganap ng mahalagang papel sa pangangalaga sa buhay ng bawat Pilipino partikular na sa panahon ng emergency, kalamidad, at iba pang mapanganib na kaganapan.
Pinuri ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa publiko at kinilala ang kritikal na papel na ginagampanan nila sa pagprotekta sa mga komunidad at pagpapalakas ng disaster resilience sa loob ng bansa.
“We extend our heartfelt salute to first responders, DRRM officers and committees, planners and engineers, scientists, public health personnel, and many others, who continuously strive to ensure the safety of our communities and enhance disaster resilience in our country. Your expertise, courage, and dedication to public service are crucial in making Filipino communities more agile and better prepared against any impending disaster,” ani Chairperson Nograles.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Chairperson Nograles sa mga pamilya ng mga itinuturing na primary responders, kung saan kinilala ang kanilang walang pag-iimbot na pag-unawa at suporta sa sinumpaang tungkulin ng kanilang mga mahal sa buhay. Binigyang-diin niya na lubos na pinahahalagahan ang kanilang dedikasyon at kahandaang magbuwis ng buhay sa paglilingkod sa kapwa Pilipino.
Nabatid na ang NDRM ngayong taon, na may temang “BIDAng Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-Being towards Disaster Resilience,” ay nagbibigay-diin sa sama-samang pagsisikap na kinakailangan upang itaguyod ang kapakanan ng mga mamamayan at matiyak ang kanilang kaligtasan sa harap ng mga sakuna.
Ibinahagi naman ni Chairperson Nograles ang mga inisyatiba ng CSC na naglalayong mag-ambag sa agenda ng DRRM. Sa pamamagitan ng Memorandum Circular (MC) No. 21, s. 2018, inaatasan ng CSC ang mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng pagsasanay sa DRRM para mapahusay ang kakayahan ng mga empleyado sa pagpapagaan at paghahanda para sa mga panganib sa sakuna.
“As part of the government’s commitment to advancing citizens’ well-being, the CSC has implemented policies to foster a healthy workplace for the 1.8 million civil servants,” saad ng CSC.
Nakamit ang inisyatiba sa pamamagitan ng paglagda ng National Policy Framework on the Promotion of Healthy Workplace, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), at Department of Labor and Employment (DOLE). Ang nabanggit ay nagtatatag ng mga alituntunin at binabalangkas ang mga pangunahing estratehiya para sa pagpapatupad ng mga interbensyon sa pagsulong ng kalusugan sa mga natukoy na lugar tulad ng diyeta at pisikal na aktibidad, kalusugan sa kapaligiran, at kalusugan ng isip.
Samantala, ang CSC-DOH-DOLE Joint MC No. 1, s. 2020 o ang Guidelines on Occupational Safety and Health Standards for the Public Sector na ang mga ahensya ay dapat may mga first aider na sinanay at certified ng Philippine National Red Cross. Bukod sa regular na pagsasanay at drills sa DRRM, dapat ding magtatag ang mga ahensya ng Risk Reduction Management System, Crisis Management Plan, at Contingency Program sa isang emergency na sitwasyon, bukod sa iba pa.
Hinikayat din ni Chairperson Nograles ang mga empleyado ng gobyerno na aktibong lumahok at suportahan hindi lamang ang mga aktibidad ngayong buwan kundi pati na rin ang sama-samang pagsisikap ng gobyerno na isulong ang mga diskarte na nakabatay sa agham sa pagbawas sa panganib ng kalamidad at pagprotekta sa bawat sambahayan.
“As a country situated in the Pacific Ring of Fire, we are vulnerable to frequent earthquakes and volcanic eruptions, not to mention the effects of climate change. Your cooperation is not only a part of your responsibility as public servants, but also of building safer, adaptive, and resilient Filipino families that will pave the way to sustainable development,” paalala ni Chairperson Nograles.
Sa bisa ng Executive Order No. 29 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong 28 Hunyo 2017, pinalitan ang pangalan ng National Disaster Consciousness Month bilang National Disaster Resilience Month na ginaganap tuwing Hulyo.
Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at ng Office of Civil Defense. ###