Home METRO Claret School of Quezon City muling nakatanggap ng bomb threat

Claret School of Quezon City muling nakatanggap ng bomb threat

MANILA, Philippines – Muling nakatanggap ng bomb threat ang Claret School sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nakatanggap ng bomb threat ang naturang paaralan Huwebes ng umaga, Marso 21, o ilang araw matapos din itong makatanggap ng banta noong Lunes, dahilan para suspendihin ang klase at pauwiin ang mga estudyante.

Agad na inilikas mula sa gusali ang mga estudyante at dinala sa pinakamalapit na bakanteng lote ng Immaculate Heart of Mary Parish.

Bandang 10:30 ng umaga, natanggap ng mga magulang ang ulat na suspendido na ang klase at pauuwiin na ang mga estudyante.

Sinabi ng BFP na nakatanggap sila ng ulat tungkol sa bomb threat sa paaralan na matatagpuan sa Mahinhin Street sa UP Village, Quezon City, bandang 7:35 ng umaga.

Wala pang pahayag ang paaralan kaugnay ng bomb threat.

Noong Okturbe 2014 ay nakatanggap na rin ng kaparehong banta ang Claret School. RNT/JGC

Previous articleTolentino namahagi ng ayuda sa Iloilo
Next articlePaaralan sa Cavite nakatanggap ng bomb threat mula sa ‘Hamas member’