Home SPORTS Clarin dumalo sa Senate deliberation  sa panukalang budget ng GAB sa 2024

Clarin dumalo sa Senate deliberation  sa panukalang budget ng GAB sa 2024

489
0

DUMALO si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard S. Clarin sa Senate deliberation para sa 2024 Proposed National Budget, partikular sa budget ng GAB para sa susunod na taon, nitong Setyembre 12.

Kalmado at buong tiwalang sinagot ni Chairman Clarin ang mga katanungan ng Senado kaugnay sa regulasyon sa professional sports at mga palaro, maging ang operasyon ng GAB kontra mga iligal na gambling operations sa bansa.

Buo ang pasasalamat ni Chairman Clarin sa Budget Sponsor ng GAB na si  Senator Christopher Lawrence “Bong” T. Go, maging sa mga miyembro ng Senado.

“Together, we are committed to promoting, professionalizing and protecting the future of Philippine professional sports,” ayon kay Clarin kaugnay sa kanyang adbokasiya na “3XPRO” na promote, professionalize at protect ang mga propesyunal na atleta.

Bukod kay Clarin, dumalo rin sa Senate deliberation si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann na sinagot din ang mga katanungan ng Senado para sa panukalang budget ng PSC sa 2024.JC

Previous article43 diplomatic protests sa WPS isinampa ng Pinas vs Tsina
Next articleLotto Draw Result as of | September 13, 2023

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here