Home SPORTS Clarin, Saito pakners sa ikauunlad ng bilyar

Clarin, Saito pakners sa ikauunlad ng bilyar

BUMISITA kamakailan ang may-ari ng The Pool Hall Caloocan at renowned professional pool tournament promoter na si Hideki Saito kay Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard S. Clarin.

Tinalakay ng dalawa ang mga bagay na may kaugnayan sa pagpapalakas pa ng larong bilyar sa bansa.

Nagkasundo ang dalawang kampo na magtulungan para sa mga darating na international billiards tournaments upang maitaas pa ang kalidad ng naturang cue sports.

“These discussions primarily centered around potential collaborations, upcoming international tournaments, and the exchange of expertise to further elevate the country’s sports profile,” ayon sa pahayag ng GAB.

“To highlight in particular, Hideki Saito, who was once a pool player of Japanese descent, sees the immeasurable talent of the Filipino people for the said sport. Saito has a vision to give the limelight back to the country, as he believes that we are on the verge to witness yet another Efren “Bata” Reyes who would make a name for themselves in the world stage. With this in mind, Mr. Saito has hand-picked professional pool players to sponsor for this year’s Japan Open. He hopes to inspire up-and-coming pool players to pursue their dreams and once again ignite the once bright flame of the Filipinos love for billiards.”

Sinaluduhan naman ni GAB Chairman Clarin si Saito sa labis na pagmamahal nito sa naturang palakasan at nangako ng buong suporta para rito.

Bahagi pa rin ito ng ‘3XPRO’ advocacy ni Atty. Clarin na ‘promote, professionalize, protect’ ang Philippine sports.JC

Previous articleComelec hihirit ng pondo sa bayad sa paggamit sa school utilities sa 2025 poll
Next articleDOJ naglabas ng mas malinaw na proseso sa paghawak sa online harassment cases