Home SPORTS Clarin sinuportahan Sharks 9-Ball Open

Clarin sinuportahan Sharks 9-Ball Open

NANGUNA sina GAB Chairman Richard Clarin (pangatlo mula sa kanan) at Quezon City Mayor Joy Belmonte (pangatlo mula sa kaliwa) sa Grand Opening ng Sharks 9-Ball International Open nitong Hulyo 24.

MANILA, Philippines РPersonal  na dinaluhan ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Richard Clarin ang pagbubukas ng Sharks International 9-Ball Open nitong Hulyo 24 sa Sharks РGreat White Arena and Sports Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Tampok ang 128 malulupit na bilyarista sa torneong tatagal hanggang Hulyo 29.

Bukod kay GAB Chairman Clarin, dumalo rin sa grand opening ng International 9-ball competition sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Councilor Alfred Vargas, Councilor Rannie Ludovica at ang event organizer na si Hadley Mariano.

Mapapanood ang lahat ng tumbukan live sa Sharks – Great White Arena and Sports Bar o sa livestreaming sa online sa sharksbilliardleague.com.

Petmalung mga tumbukero sa iba’t ibang pang ng mundo ang magpapagalingan para sa korona.JC

Previous articleBinay pumorma sa powder blue terno sa opening session ng Senado
Next article15 patay, 19 nawawala sa lumubog na barko sa Indonesia