Home SPORTS Clarin, Team Lakay palalakasin MMA

Clarin, Team Lakay palalakasin MMA

BINISITA nina coach Marquez “Mark” Sangiao, kasama ang ilang miyembro ng Team Lakay, si Games and Amusements Board Chairman Atty. Richard S. Clarin sa Central Office ng GAB sa Makati City kamakailan.

Tinalakay nina Clarin at ng mga kinatawan ng Team Lakay ang kaligtasan at kapakanan ng mga mixed martial arts (MMA) fighters kasunod ng paglalatag ng mga plano upang palakasin pa ang naturang combat sports sa Pilipinas.

Nangako rin si GAB Chairman Clarin sa Team Lakay ng buong pagsuporta sa nasabing combat sports.

Bahagi pa rin ito ng 3XPRO advocacy ni Clarin na ‘promote, professionalize, protect’ ang Philippine professional sports.

“Led by Coach Marquez “Mark” Sangiao, Team Lakay and its members paid a courtesy visit to GAB Chairman Atty. Richard S. Clarin today, February 06, 2024, at the Games and Amusements Board Central Office,” ayon sa pahayag ng GAB.

“Together with the GAB Chairman, they discussed various ways to improve the safety and welfare of MMA fighters and laid out plans to ramp up promotions for Mixed Martial Arts in the Philippines,” dagdag pa ng GAB.

Previous articleIC Mendoza, na-scam ng P30k!
Next articleRadioactive water, nag-leak sa Fukushima