Manila, Philippines – Next to her family and kin, it’s her close friends who know Claudine Barretto well enough.
Isa na rito si Bianca Lapus, kaibigan ni Claudine noon pang 1996.
Their friendship began noong sina Claudine at Mark Anthony Fernandez pa ang magkasintahan.
Bumibisita raw kasi si Claudine sa set ng pelikulang Kabilin-bilinan ng Lola, kung saan nasa cast si Mark at si Bianca.
Nag-spill over ‘yon hanggang sa maging sina Claudine at Rico Yan, dahil ka-close ng hui si Vhong Navarro na nobyo that time ni Bianca.
Nakausap ng ilang members of the press si Bianca just recently.
Bago rito’y nakikinita na ni Claudine na tatanungin ng press si Bianca tungkol sa isyung kinasasangkutan nito.
Of late, pinalalabas ni Sabrina M na naging sila ni Rico after he and Claudine broke up.
One or two and a half years daw ang itinagal ng itinago nillang relasyon sa publiko.
Ayon kay Sabrina, kung meron daw na nakakaalam tungkol doon ay si Claudine ‘yon at Bobby, Rico’s elder brother.
Dito na nag-react si Bianca for Claudine: “May third party na bang may consent?! ‘Di naman siguro syunga si Claudine para pumayag sa ganu’n!”
Sa totoo lang daw ay pinagtatawanan lang nina Claudine at Bianca ang claim ng dating sexy star: “Halos mahulog nga si Claudine sa katatawa!”
Partikular na kinukuwestyon ni Bianca ang timeline ni Sabrina.
“Paanong magiging sila ni Rico, eh, magkalive-in sila ni Claudine? Then nag-break sila, sandali lang then namatay na si Rico, so Sabrina could not have been Rico’s last girlfriend! Baka may nangyari pero walang relasyong namagitan!” giit pa ni Bianca.
So, what does Claudine intend to do? May legal step ba siyang gagawin?
Tugon ni Bianca: “Sabi ni Claudine, hindi nga raw niya kilala si Sabrina.
Ayaw raw niyang mag-aksaya ng pera at panahon para idemanda siya!”
Ang alam daw ni Bianca, it’s Rico’s family that’s taking legal action in the form of putting “cease and desist” order in place.
Ito’y para itigil na raw ni Sabrina ang pagdamay sa pangalan ni Rico na nananahimik na.
Samantala, sa panayam ng programang Cristy Ferminute kay Atty. Ferdie Topacio na kilalang malapit kay Claudine, hinihiling nitong mag-isyu ng public apology si Sabrina rather than face the legal consequence for her actions. Ronnie Carrasco III