Home ENTERTAINMENT Claudine, nagpaliwanag sa laylay na braso!

Claudine, nagpaliwanag sa laylay na braso!

Manila, Philippines – Eighty four pounds ang natapyas sa timbang ni Claudine Barretto.

Ipinagmamalaki niyang hindi raw niya kinailangang dumaan sa isang aesthetic medical clinic para doon.

Napukaw kasi ang atensyon ng mga netizens sa Instagram nitong January 21 nang magpasalamat si Claudine sa isang jewelry company.

Mas napansin kasi ng mga ito ang saggy o lumalaylay na braso ng aktres.

Pumayat nga raw ito’y laylay naman ang braso.

“Ipa-Belo mo na ‘yan!” payo ng isang netizen na ang tinutukoy ay ang tanyag na celebrity beauty surgeon na si Dra. Vicki Belo.

Doon na inamin ni Claudine na bagama’t natural ang paraan niya ng pagpapayat, she had to undergo liposuction.

Aniya, masagwa nga namang tingnang pumayat nga siya pero mataba pa rin ang kanyang mga braso.

Dagdag pa niya, prior to her last lipo ay dumaan siya sa ganoong procedure pagkapanganak noon.

Gayunpaman, sinagot ni Claudine ang kanyang mga bashers.

“Pasensya na po kayo, hindi po ako perfect,” tipong patutsada niya.

Pasasalamat din ang ipinaabot ng aktres sa mga taong nakakaunawa sa kanya at hindi judgmental.

Ayon naman sa mga nagmamalasakit na netizens, wala raw dapat ipaliwanag si Claudine. Ronnie Carrasco III

Previous articleApril 30 huling extension para sa PUV consolidation – DOTr
Next articleAnti-terror law tinalakay ng UN official, SC justices