Home ENTERTAINMENT Claudine, nagpasalamat kay Katrina!

Claudine, nagpasalamat kay Katrina!

244
0

Manila, Philippines- Agad na idinaan ni Claudine Barretto sa Instagram ang kanyang pasasalamat kay Katrina Paula.

Nagsimula ang isyu nang ni-reveal ni Sabrina M sa isang mediacon na nagkaroon sila ng relasyon ng namayapang aktor na si Rico Yan. Nangyari raw ang relasyon pagkatapos nang relasyon ni Clau kay Rico.

Pinasinungalingan naman ni Claudine ang revelation ni Sabrina at nakakuha siya ng kakampi sa katauhan mismo ng kaibigan ni Sab, si Katrina.

Ani Claudine: “I wanna thank Katrina for telling the truth.”

Nakatagpo raw si Claudine ng “new friend/sister” kay Katrina, even enjoining the netizens to follow the former sexy star sa kanyang social media account.

Ikinagalak ni Claudine ang paglilinis ni Katrina sa pangalan ni Rico at pagtatanggol na rin sa kanya at ang “rycb forever.”

Initials nina Rico at Claudine ang grupo ng mga supporters ng kanilang tambalan.

Dahil tila nahimasmasan na si Claudine, itutuloy pa rin kaya niya ang balak sampahan si Sabrina ng kaukulang demanda? Ronnie Carrasco III

Previous articleDepEd, DBM kinalampag ng mga guro sa paglalabas ng PBB
Next articleTree planting ng BJMP tuloy kahit malakas ang ulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here