Home ENTERTAINMENT Claudine, namayat kay Jaclyn!

Claudine, namayat kay Jaclyn!

Manila, Philippines – Already back in good shape ay lalo pang nabawasan ang timbang ni Claudine Barretto.

Kung madalas sabihin noon ng 44 anyos na aktres that she owes it to intermittent fasting ay iba na ang tono niya ngayon.

Ang dahilan daw kung bakit nabawasan pa ang kanyang weight ay dahil hanggang ngayon ay grieving o nagluluksa pa rin daw siya sa pagpanaw ni Jaclyn Jose.

Jaclyn passed away nitong March 2.

Bagama’t ilang linggo nang nakakaraan ‘yon, hindi pa rin daw maka-get over si Claudine.

Aniya: “Hindi ako makatulog. Hindi pa rin ako makakain kaya siguro l lost 11 lbs.”

Ang karaniwang tanong sa mga kasamahang malalapit sa yumaong aktres, nagparamdam na ba ito sa kanila?

Walang iniwan ang sagot ni Claudine sa tugon ni Gardo Versoza.

Sey ni Claudine: “Wala pa pero sana kahit man lang sa panaginip…”

Back to her usual grind si Claudine these days.

Sa katunayan, at a recent mediacon ay karay-karay pa niya ang kanyang apat na anak.

Of the four, tanging si Santino lang ang biological child nila ng dating karelasyong si Raymart Santiago.

Sey ni Claudine with regard to tagging her kids along, hindi man daw masasabing she’s a perfect mom to them ay ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya to make her children feel loved.

Masyado lang daw mabilis kung lumakad ang panahon dahil nagsisilakihan na ang mga bata. Ronnie Carrasco III

Previous articlePia, nagpa-selfie kay Sandara, dinedma si Heart?
Next articleGun attack sa Russia inako ng Islamic State group