Home NATIONWIDE Clean audit remark nakuha ng BOC sa COA

Clean audit remark nakuha ng BOC sa COA

227
0

MANILA, Philippines – NAKATANGGAP ang Bureau of Customs (BOC) ng Unmodified Opinion, na kilala rin bilang Unqualified Opinion, sa Financial Statements nito.

Ito ang pinakamataas na ebalwasyon na ipinagkaloob ng Commission on Audit (COA) sa mga ahensya ng gobyerno, na nagsasaad ng malakas na panloob na mga kontrol at tinitiyak ang katumpakan at integridad ng mga Financial Statement. Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng ganap na pagsunod ng BOC sa International Public Sector Accounting Standards.

Nagpahayag ng pasasalamat si Commissioner Bienvenido Y. Rubio at pinuri ang dedikasyon at performance ng mga tauhan ng BOC.

“After more than two decades, we have been recognized for our audit compliance,” pagmamalaki ni Commissioner Rubio.

Binigyan ng partikular na pagkilala ang Accounting Division ng Internal Administration Group (IAG), ang Revenue Accounting Division ng Revenue Collection Monitoring Group (RCMG), at ang Collection Districts para sa kanilang masigasig na trabaho. Ang kanilang hindi natitinag na pangako at atensyon sa detalye ay naging instrumento sa pagkamit na ito.

Nagpahayag ng pasasalamat si Commissioner Rubio sa COA auditors sa kanilang pagtutulungan sa pagpapatupad ng makabuluhang pagbabago sa loob ng BOC. Kinilala niya ang kanilang Audit Observation Memoranda at audit findings, na nagbigay ng mahalagang patnubay at nagsilbing paalala sa responsibilidad ng BOC para sa wastong pamamahala ng pampublikong pondo at resources.

“The Bureau of Customs remains steadfast in upholding strong financial controls and delivering exceptional services to the public. This recognition from the COA reinforces the BOC’s unwavering commitment to transparency, accountability, and responsible stewardship of public resources,” ayon sa BOC. JR Reyes

Previous articlePH exports umabot sa $6.44B nitong Mayo, tumaas ng 1.9% — DTI
Next articleNutri programs pwedeng pondohan ng LGUs gamit ‘shares’ – PCSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here