VATICAN – Nakipagpulong si Pope Francis sa mga biktima ng clerical sexual abuse sa apgsisimula ng limang araw niyang pagbisita sa Portugal para sa isang pagdiriwang ng pangunahing Catholic youth festival.
Nauna nang sinabi ng 86-taong-gulang na pontiff na ang sigaw ng mga biktima ng sekswal na pang-aabuso ay dapat marinig, anim na buwan pagkatapos ng ulat sa pang-aabuso na yumanig sa Portugal.
Sa ulat na inilabas noong Pebrero sa Portugal ng independent commission , hindi bababa sa 4,815 na bata ang inabuso ng mga miyembro ng klero, karamihan sa mga pari, sa bansa mula noong 1950.
Sa isang talumpati sa klero sa malawak na Jeronimos Monastery ng Lisbon, sinabi ng pontiff na ang mga sex abuse scandals ay sinira ang Simbahan at nagdulot ng “kabiguan at galit”.
These scandals “call us to a humble and ongoing purification, starting with the anguished cry of the victims, who must always be accepted and listened to,” sinabi ng papa.
Sa isang maikling pahayag, kinumpirma ng Vatican na nakipagpaulong si Francis sa 13 biktima sa Holy See kung saan siya naninirahan.
“The meeting was held in an atmosphere of intense listening and lasted more than an hour,” ayon sa Vatican.
Sinabi ng Portuguese Bishops’ Conference
na ang pulong ay nagpakita na ang Simbahan sa Portugal ay ” inuuna ang mga biktima, nagtutulungan sa kanilang reparasyon at pagbawi, upang sila ay tumingin sa hinaharap na may panibagong pag-asa at kalayaan.”
Ang World Youth Day, na nilikha noong 1986 ni John Paul II, ay ang pinakamalaking pagtitipon ng Katoliko sa mundo at magtatampok ng malawak na hanay ng mga kaganapan, kabilang ang mga konsyerto at mga sesyon ng panalangin.
Ang edisyong ito — sa una ay naka-iskedyul para sa Agosto 2022 ngunit ipinagpaliban dahil sa pandemya — ang magiging ikaapat para kay Francis pagkatapos ng Rio de Janeiro noong 2013, Krakow noong 2016 at Panama noong 2019. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)