Home HOME BANNER STORY Climate ties, people-to-people relations palalakasin ng PH, Germany

Climate ties, people-to-people relations palalakasin ng PH, Germany

MANILA, Philippines – NAPAGKASUNDUAN ng Pilipinas at  Federal Republic of Germany na ipagpatuloy na palakasin ang ‘climate cooperation’ ng dalawang bansa habang pinapalalim ang  people-to-people relations.

Pormal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang credentials ni bagong German Ambassador Andreas Michael Pfaffernoschke sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Agosto 17 kung saan binigyang diin ang kahalagahan na sama-samang pag-usapan ang  climate change.

“I always describe it as really the first truly global problem that humanity faces because it’s global in the sense that everybody is affected. And it’s also global because we cannot solve it without everybody doing their part,” ayon sa Chief Executive.

Sinang-ayunan din ng Pangulo na ang  partnership sa pagitan ng Pilipinas at  Germany ay makapagbibigay ng benepisyo sa bansa, lalo na sa pagpo-promote sa climate agenda kapuwa sa ‘local at international settings.’

“It is axiomatic to me to say that no country can do this alone. The economy, climate change, energy, all of these things have to be done in partnership. So, let’s look in that direction Mr. Ambassador,” anito.

Kamakailan lamang ay  nilagdaan ng dalawang bansa ang “Joint Declaration of Intent on Interdepartmental Consultations for Bilateral Technical Cooperation Projects in the Fields of Climate, Energy and Biodiversity.”

Sa ilalim ng deklarasyon, napagkayarian ng magkabilang partido  na magdaos ng  regular interdepartmental consultations ukol sa nagpapatuloy at pipeline bilateral technical cooperation projects.

Kapuwa naman kinilala nina Pangulong Marcos at  Ambassador Pfaffernoschke  ang umuunlad na  people-to-people connections sa pagitan ng Pilipinas at  Germany, isang halimbawa ng malaking populasyon ng  Filipino overseas workers sa European nation.

Kapuwa naman nagpahayag ng kanilang commitment ang dalawang bansa na alagaan at pagyamanin ang kanilang relasyon at i-explore ang oportunidad para sa bilateral growth.

“There are many things that I think we can do. I hope few of them would come to fruition so that we can say that we have done the fullest that we can do in this partnership,” ayon kay Pangulong Marcos.

Samantala, ipagdiriwang naman ng Pilipinas at Germany ang kanilang ika-70 anibersaryo ng kanilang diplomatic ties sa susunod na taon. Kris Jose

Previous articleTRO sa P240M license deal ‘di pa pinal – LTO
Next article“MATATAG CURRICULUM”, IKINASA NA NG DEPED