Home HOME BANNER STORY ‘Close collaboration’ target ni PBBM kay Taiwan pres-elect Lai Ching-te

‘Close collaboration’ target ni PBBM kay Taiwan pres-elect Lai Ching-te

MANILA, Philippines – LOOKING FORWARD si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng “close collaboration sa Taiwan matapos manalo nito lamang araw ng Sabado, Enero 13 si President-elect William Lai o Lai Ching-te.

“We look forward to close collaboration, strengthening mutual interests, fostering peace, and ensuring prosperity for our peoples in the years ahead,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang X post.

Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa gitna ng tensyon sa China dahil sa West Philippine Sea.

Sa kabilang dako, sa ulat, si President Lai Ching-te ay nagmula sa ruling party at nakuha ng mga ito ang mahigit sa 40% na mga boto.

Kilala si Lai Ching-te na kontra sa China at pabor sa pagsasarili ng Taiwan bilang isang bansa.

Mahigpit na binantayan ng China at maging ng Estados Unidos ang naging resulta ng halalan.

Una nang binansagan ng Beijing si Lai Ching-te na isang banta sa kapayapaan sa rehiyon.

Sa kanya namang victory speech, sinabi ni Lai Ching-te na ipinakita ng Taiwan sa buong mundo na sa pagitan ng demokrasya at pagiging awtoritaryanismo ay pinili ng mga mamamayan ng Taiwan na manindigan sa panig ng demokrasya.

Sinasabing ito na ang ikatlong panalo ng democratic progressive party na iginigiit ang kasarinlan ng Taiwan mula sa Mainland China.

Inaasahan din na madodomina ng democratic progressive party ang nasa mahigit sa 100 puwesto ng Taiwan. Kris Jose

Previous articleGobyerno may balanse pang P14.88-B emergency allowance
Next articleBuCor magbibigay ng lupa sa PCG para sa bagong HQ