Home NATIONWIDE Cloud seeding planong isagawa ng PAF sa Benguet vs forest fire

Cloud seeding planong isagawa ng PAF sa Benguet vs forest fire

MANILA, Philippines – Plano ng Philippine Air Force (PAF) na magsagawa ng cloud seeding operations upang maapula ang mga forest fire sa Benguet.

“May plans din tayo for cloud seeding operations. It might happen this week,” sinabi ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo sa press conference.

“It’s part of our effort to suppress fire na kumakalat ibang approach naman. Kasi through heli bucket we can only deliver 800 liters of water and then usually we can conduct 50 sorties per day,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay binalot ng makapal na usok at haze ang Benguet at Baguio City matapos na tumama ang walong forest fire sa rehiyon.

Sa bayan ng Tuba, tinupok ng forest fire ang bahagi ng Mount Santo Tomas, na muntik pang umabot sa vital installations sa communications, TV and radio equipment sa lugar.

Umabot din ang sunog sa kalapit na munisipalidad ng Bokod.

Kaugnay naman sa epekto ng El Nino, nakipag-ugnayan din ang PAF sa Department of Agriculture at Isabela provincial government.

“Recently, cloud seeding operations were conducted using a chartered plane with Air Force Weather Officers and technicians facilitating the operations. Nakapag-produce daw sila ng rain,” dagdag niya. RNT/JGC

Previous articleKolehiyala lumutang sa dagat
Next articleAgri damage sa El Niño tumaas sa P810M – NDRRMC