Home NATIONWIDE Cloud seeding sa Region 2 ikinokonsidera ng DA

Cloud seeding sa Region 2 ikinokonsidera ng DA

CAGAYAN – Ikinokonsidera ng Department of Agriculture ang pagsasagawa ng cloud seeding sa Rehiyon 2 para magkaroon ng ulan para sa mga pananim, kasabay ng posibleng epekto ng papalapit na dry season.

Kabilang dito ang pagpapalipad ng eroplano dalawang kilometro sa ibabaw ng lupa upang magbuhos ng asin sa mga ulap.

“Ang asin ay hygroscopic in nature. Pag sinabi po nating ‘hygroscopic,’ it has the ability to attract moisture. Kung ‘yung asin dini-dispense natin sa taas, pagdating sa taas, mag-aattract at mag-aattract siya ng moisture, ” ani engineer at PAGASA assistant weather services chief Lorenzo Moron.

Sa paglalarawan sa website ng PAGASA, “Salt attracts water vapor more easily than dust, fine sands, etc. In effect, salt acts as the seed upon which cloud droplets form. The purpose of cloud seeding is to produce more rain and to let the coud rain earlier and morea easily than a natural cloud.”

Bago ito, kailangang gamitin ng PAGASA ang Doppler radar nito para matukoy kung aling ulap ang seedable, o naglalaman ng mas maraming moisture.

“May mga clouds na dry, so ibig sabihin kahit magbuhos ka pa ng ilang kilo ng asin, kung dry ang clouds hindi babagsak. Pero may mga clouds na rich in moisture content,” ani Moron.

Ang isang araw ng cloud seeding ay nagkakahalaga ng mula P80,000 hanggang P100,000. RNT

Previous articleSandara, nasa Pinas, sasabak sa Batang Quiapo?
Next article‘Di lang pang motor riders, patas na alintuntunin sa checkpoint bubuuin ng Napolcom