Home NATIONWIDE CNN employees na nawalan ng trabaho aayudahan ng DOLE

CNN employees na nawalan ng trabaho aayudahan ng DOLE

MANILA, Philippines – Handang tumulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mahigit 300 empleyado ng CNN Philippines at Sky Cable na mawawalan ngvtrabaho dahil sa kanilang pagsasara.

“We can offer them assistance in ensuring that benefits due them as a result of their separation are given to them, if not yet paid,” Labor Secretary Bienvenido Laguesma said in a phone interview.

Sinabi ni Laguesma na ang iba pang tulong ay available din sa mga apektadong empleyado.

“We can make available to displaced workers job facilitation our TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) program and DOLE Integrated Livelihood program,” dagdag pa.

Sa kabilang banda, isang labor group ang nagpahayag ng pagkabahala sa pagsasara ng dalawang kumpanya sa pagsisimula ng taon.

Sa isang pahayag, nanawagan din ang Federation of Free Workers (FFW) sa gobyerno na magpatibay ng mga hakbang na makatutulong na maiwasan ang pagkawala ng trabaho sa mga corporate restructuring processes.

Ang CNN Philippines ay titigil sa operasyon ngayong Miyerkules dahil sa pagkalugi sa pananalapi, na nakakaapekto sa 300 empleyado.

Sa kabilang banda, ihihinto ng Sky Cable ang mga operasyon nito simula sa Peb. 27, na makakaapekto naman sa 22 empleyado. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleSolons: PI investigation magiging circus lang at aksaya ng oras
Next articleFentanyl legal, cocaine ipinagbawal – Roque