MANILA, Philippiens – INIREKOMENDA ng Commission on Audit (COA) sa University of the Philippines (UP) na i-blacklist ang ePLDT Inc., isang telco giant subsidiary matapos na mabigo ang makompleto o tapusin ang multimillion-peso digital infrastructure project.
Base sa pinakabagong report ng COA ukol sa isyu ng UP na naka-post sa website nito noong Hulyo 13, sinabi ng COA na dapat na patawan ng parusa ng UP System ang ePLDT, Inc. para sa mahigit na six-year delay sa implementasyon ng “key components” ng eUP project na nagkakahalaga ng ₱134.6 milyong piso.
Layon ng eUP project na pagsamahin at tiyakin ang “interoperability” ng ICT (information and communication technology) systems sa buo at lahat ng UP campuses.
Subalit ang kabiguan ng ePLDT Inc. na maideliver ang ‘procured services” ay nagresulta ng ‘liquidated damages’ ng mahigit na ₱40 milyong piso.
“Thus depriving intended beneficiaries particularly, the students that could have been benefited by the full completion of the project,” ayon sa COA.
Pumasok ang UP sa isang kasunduan sa ePLDT, Inc. noong 2012 para sa eUP project na dapat ay makokompleto o matatapos noong 2017.
Makikita sa records na nagpalabas ang UP ng pinal na demand letter sa ePLDT, Inc. noong 2020 para sa remittance ng penalty sa nabigong kasunduan.
“But no payment and no response were received from ePLDT, Inc. by the University until to this date,” ayon sa COA.
Sinabi ng COA na dapat na madiskuwalipika ang kompanya mula sa pagpapartisipa sa bidding sa lahat ng government projects kapag napatunayan kasunod ng blacklisting procedures.
Inatasan din ng COA ang UP System “to exert more effort to demand the delivery of service by ePLDT as per the procurement contract.”
Samantala, sinabi naman ng ePLDT sa isang kalatas na “will discuss and resolve the issue with UP.” Kris Jose