Home METRO COA’s Unmodified Opinion muling nasungkit ng Navotas sa 9 magkakasunod na taon

COA’s Unmodified Opinion muling nasungkit ng Navotas sa 9 magkakasunod na taon

MULING nasungkit ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) sa ika-siyam na taong sunod-sunod.

Ito ay bunsod ng pagiging bukas o transparent sa kanilang financial transparency at accountability.

Natanggap ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang COA report mula kay Percival Arlos, OIC-Supervising Auditor ng Navotas Auditing Unit.

Nakamit ng Navotas ang “unmodified opinion” mula 2016, ang kaisa-isang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na may ganong rekord.

“Receiving an unmodified opinion from COA for nine consecutive years is a testament to the dedication and integrity of the entire Navotas City Government. It reflects our steadfast commitment to fiscal responsibility and transparency in serving the people of Navotas,” ani Tiangco .

Ipinaliwanag din ng alkalde ang kahalagahan ng Pagkilala sa tiwala ng publiko at pagtitiyak ng maayos na pamamahala sa lahat ng lebel sa lungsod.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang alkalde sa lahat ng opisyales ng pamahalaang lokal, mga emoleyado at sa lahat sa kanilang pagsisikap at tunay na pagmamalasakit sa mga Navoteños.

“We applaud the collective efforts of our dedicated department heads and employees. Their diligence ensures that every cent of our constituents’ money is accounted for and utilized effectively for their benefit,” paliwanag ni Tiangco.

“We also extend our heartfelt appreciation to our fellow Navoteños for their continued support and trust in our administration,” dagdag ng alkalde.

Ang unmodified opinion ay simbolo na ang Navotas ay patuloy na may maayos at patas na ulat sa kanilang posisyong pinansyal, financial performance at tamang paggastos ng pondo ng lungsod na aayon sa pamantayan ng COA at ng Philippine Public Sector Accounting Standards.(R.A Marquez)