MANILA, Philippines – Suspendido ngayong Agosto 31 ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Metro Manila, Abra at Ilocos Norte dahil sa masamang panahon, sabi ng Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na si John Rex Laudiangco na ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng Comelec sa tatlong lugar ay sinuspinde rin ngayong Huwebes “dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha… dala ng Bagyong Goring.”
Nagsimula noong Lunes, Agosto 28 ang paghahain ng mga COC para sa 2023 BSKE.
Sinabi ni Laudiangco na pinalawig hanggang Setyembre 3 ang paghahain ng COC sa NCR, Abra, at Ilocos Norte.
“Due to suspension of Government Work on account of inclement weather, the Filing (and reception) of Certificates of Candidacy in the National Capital Region, and the Provinces of Abra and Ilocos Norte, is extended until 5:00 PM of September 3, 2023, Sunday,” sabi ng Comelec
Gagawin ang BSKE 2023 sa Oktubre 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden