Home METRO COC filling ng EMBO pwede na sa Taguig – Comelec

COC filling ng EMBO pwede na sa Taguig – Comelec

Sinabi ng Commission on Elections na maari nang magsumite ng Certificate of Candidacy o COC sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2023 ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan mula sa bagong sampung Barangay sa ilalim ng Taguig.

Ito ay matapos aprubahan ng Comelec ang paglipat sa Taguig ng sampung Barangay na dating nasa Lungsod ng Makati City.

Ayon sa inilabas na memorandum ng Comelec – ang kanilang desisyon ay base sa rekomendasyon ng kanilang law department kaugnay na rin ng desisyon ng Korte Suprema sa G.R.
No. 235136 na may titulong “Municipality of Makati v. Municipality of Taguig”.

Kaya naman, ang mga nais kumandidato bilang mga barangay officials mula sa sampung barangay na dating nasa hurisdiksyon ng Makati ay maari nang magsumite ng kanilang mga COC sa opisina ng election officer sa Taguig Convention Center.

Kabilang ang mga barangay na binabanggit sa memorandum ng Comelec ay ang Cembo, Comembo, East Rembo, Pembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, Rizal, South Cembo at West Rembo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleIsyu ng pagpapatanggal ng BRP Sierra Madre sa Ayungin paiimbestigahan ng Makabayan
Next articleLider ng NPA na utak sa pagpatay sa FEU footballer, patay sa sagupaan