Home ENTERTAINMENT Coco at Julia, umamin na sa 12 years na relasyon!

Coco at Julia, umamin na sa 12 years na relasyon!

361
0

Manila, Philippines- Sa wakas, inamin na rin nina Coco Martin at Julia Montes ang kanilang relasyon.

Ito ang inulat ng Star Patroler na si MJ Felipe.

Ani Coco, masarap daw sa pakiramdam na finally ay out in the open na sila ni Julia.

Kung susumahin, 12 years na raw silang magkasama ng aktres.

Nagsimula ‘yon nang magsama raw sila sa isang proyekto ng ABS-CBN noong 2011.

As for Julia, malaking bagay raw na ang Diyos ang nasa sentro ng kanilang relasyon.

Ginagabayan daw kasi sila ng nasa Itaas pagdating sa kanilang career at personal na  buhay.

As far as ABS-CBN’s Primetime King is concerned, kung tutuusin daw ay hindi na kailangan pa silang lumantad ni Julia.

If Coco may borrow an oft-repeated clichè, “What you see is what you get.”

Hinayaan lang daw nila ni Julia na magpatuloy ang ispekulasyon tungkol sa kanila.

Yet ninanamnam daw nila ng aktres ang kapribaduhan ng namamagitan sa kanila nang tahimik at malayo sa intriga.

Masaya siyempre ang mga CocoJules sa rebelasyon ng magkasintahan.

Anila, it’s something they saw coming.

Ang hinihintay na lang daw nila ay kung kelan aaminin ng magnobyo ang tungkol sa rumored lovechild nila.

Meron nga bang nabuo sa loob ng 12 taon nilang pagsasama?

Excited makita ng mga CocoJules kung sino ang kahawig ng umano’y anak nila?

Matatandaang wari’y give-away ang ipinost noon ni Coco na litrato niya kuha sa pantry ng malawak niyang bahay.

Agaw-pansin kasi ang feeding bottle na nasa background na nagpapahiwatig ng presensya ng isang baby sa tahanan niya.

Nabalita rin kasi na sa bahay na ni Coco naninirahan si Julia.e

Base ito sa ilang larawang ipinost niya noon kung saan pamilyar sa paningin ang ginamit nitong background. Ronnie Carrasco III

Previous articleP156M Ultra Lotto jackpot mailap!
Next articleTaguig, QC, Manila, Makati, at Pasig, Rizal sapul ng #WalangTubig

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here