Manila, Philippines – Workaholic talaga si Coco Martin. Sa bagong serye na FPJ’s Batang Quiapo, hindi lang pangunahing bida si Coco, direktor at co-producer din siya.
Puring puri nga siya ng kanyang mga kasamahan sa syobis lalo na ang mga artistang bihira nating makita o mapanood sa telebisyon dahil nasa cast sila ng Batang Quiapo. Kaiba ito sa pelikulang pinagsamahan nina Maricel Soriano at yumaong Fernando Poe, Jr.
Bukas ang palad ni Coco sa pagtulong sa mga artista at isinama niya rito sina Pen Medina, magkapatid na Karl at Ping Medina, si Dindo Arroyo plus ang mga sikat na vloggers. Mapapanood din natin si Ms. Charo Santos-Concio, Miles Ocampo, mag-amang Mark at senador Lito Lapid, Lara Precious Quigaman, Cherrie Pie Picache, John Estrada at Lovi Poe.
For sure, sa susunod na episodes ng Batang Quiapo, marami pang artista at makakasama si Coco.
Samantala, naging usap-uspan ang pagkikita nina Manny V. Pangilinan at Coco. Nasabi pa ni Coco na siya ay nagpapaanpon kay MVP.
Ano kaya ang napag-usapan ng dalawa. Yan ang dapat nating abangan. Favatinni San