Home ENTERTAINMENT Coco, nagpaliwanag sa pagiging pribado ng relasyon kay Julia!

Coco, nagpaliwanag sa pagiging pribado ng relasyon kay Julia!

429
0

Manila, Philippines- Magkasamang dumalo ang rumored sweethearts na sina Coco Martin at Julia Montes sa watch party ng upcoming Kapamilya series na Unbreak My Heart.

Pagkatapos ng screening, nakapanayam ng ABS CBN News Patroller na si MJ Felipe si Coco at naitanong niya kung ano na ang estado ng kanilang relasyon sa ngayon?

Tila ay napaamin si Coco nang sabihin niyang labindalawang taon na ang relasyon nila ng aktres na si Julia.

Naitanong din kay Coco kung para ba kay Julia ang hawak nitong mga bulaklak.

Sagot ni Coco, “Para kay Jodi, sa pagmamahal namin sa kanya.”

Ang tinutukoy niya’y si Jodi Sta. Maria na bida sa Unbreak My Heart series.

Hirit pa ni MJ, “E, yung pagmamahal mo kay Julia?”

“Alam niyo na yun,” tugon ni Coco.

“Amen,” Agad ding sagot ni Julia.

Tila bitin pa ang pag-amin ni Coco sa 12 years nilang samahan ni Julia, kailan pa ba ang kumpirmasyon ng kanilang pag-iibigan?

“Basta kami naman, di na naman kami mga bata. Kung ano siguro yung nakikita, iniisip ng mga tao, yun na yun. Mas masarap kasi yung pribado yung buhay, e, tahimik, di ba? Walang mga issue, walang mga ano… eto masaya kami.”

Ayon pa sa aktor, mas mahalaga sa kanila ni Julia ang kanilang privacy. Kung ano daw ang nakikita sa kanila ng aktres, ‘yun na ‘yun. Parang sinabi ni Coco na, what you see is what you get.

Katuwiran niya, “Nilu-look forward namin kapag may project kami na magkasama kami at kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao.

“Pero, nami-maintain namin yung privacy sa buhay namin.”

Sabi naman ni Julia, “Kung ano po yung position namin o narating namin ngayon, super blessed lang talaga kami.

“And never kasi nawala sa center si God so parang lahat ng nangyayaring good stuff, si God kasi din yung ano…” sey ng aktres. Ador Saluta

Previous articleSouthwesterly windflow magpapaulan sa Southern Luzon, VisMin
Next articleKumpirmado: Eat Bulaga, lilipat sa TV5!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here