Home ENTERTAINMENT Coco, namirata ng mga artista!

Coco, namirata ng mga artista!

Manila, Philippines- It appears that there no longer exists exclusivity among the stars.

Halimbawa, ang artistang napapanood mo ngayon sa GMA, bukas makalawa’y bubulaga na lang sa ABS-CBN.

Ito ngayon ang nais pairalin ni Coco Martin, himself one of the producers at direktor na rin ng Batang Quiapo.

Target naman niyang kunin ang mga artistang ngayo’y may kinabibilangang serye sa GMA.

Bet ni Coco na kunin sina Gina Alajar, Chanda Romero, Rio Diaz, among others.

Ang dali rin palang “ligawan” ni Coco in case you might want to be part of BQ.

Tulad halimbawa na lang nina Ynez Veneracion at Dinky Doo na nakita lang niya sa isang okasyon.

Nang maglambing ang mga ito’y hindi na nagdalawang-isip si Coco, umoo raw siya agad.

‘Yun nga lang, hindi niya pinangakuan ang mga ito kung gaano kahaba ang kanilang role o exposure.

Aniya, ang mahalaga naman daw ay makita silang muli ng mga manonood.

More than a year nang umeere ang BQ.

Having come from FPJ’s Ang Probinsyano na tumagal nang mahigit pitong taon sa ere ay marami na raw natutunan si Coco.

Kasama na sa kanyang mga learnings ang huwag nang ulitin pa ang kanyang mga sablay.

Back then daw kasi, isinasaksak daw niyang lahat ang mga artista sa AP as in he’d lump them together.

Tuloy, naubusan na raw siya ng mga artistang ika-cast.

With BQ, Coco is taking it slowly.

Binabalanse na raw niya ang pag-“recruit” ng mga cast members.

Maging ang daloy rin ng kuwento’y hindi na niya tinotodo.

In a sense, masasabing ganap na ang isang artista once mapabilang siya sa mga serye ni Coco.

Name a star who hasn’t been given exposure in a Coco Martin series ay parang wala kang maiisip. Ronnie Carrasco III

Previous articleTattoo artist, 2 pa isinelda sa baril at marijuana sa Caloocan
Next articleP3M tobats nasabat sa parking lot sa Maynila