Home NATIONWIDE Code of conduct sa paggamit ng AI sa 2025 polls isinusulong

Code of conduct sa paggamit ng AI sa 2025 polls isinusulong

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng roundtable discussion fora code of conduct (COC) ang election watchdog na National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at ang University of Asia and the Pacific (UA&P)  para sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa Eleksyon 2025.

Ayon sa ulat, umaasa ang mga grupo na ang code ay magsisilbing gabay para sa lahat ng stakeholder para sa pagdaraos ng “ethical” elections sa susunod na taon.

Pinangangambahan na maging sanhi ng paglaganap ng mga peke na gumagaya ng mga boses at pagkakahawig ng mga personalidad sa propaganda ang maling paggamit ng AI.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na bukas ang poll body sa pagtalakay sa COC para sa paggamit ng AI. Magsasagawa rin umano sila ng forum tungkol sa isyu at iimbitahan ang Namfrel.

“Wala po tayong batas na nagre-regulate ang social media sa Pilipinas. Kaya ang tanong, kung ganun, pwede ba, kaya ba, paano ba ire-regulate ng COMELEC? ‘Yung mga ‘yan, lalo pa kung ito’y padadaanin sa social media,” wika ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden