Home HOME BANNER STORY Cold storage price itatakda ng DA: P115 sa pulang sibuyas, P100 sa...

Cold storage price itatakda ng DA: P115 sa pulang sibuyas, P100 sa puti

448
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na plano nilang ipatupad ang tinatawag na “cold storage price” para sa sibuyas.

Nakasaad dito ang pagtatakda ng halagang P115 bawat kilo para sa pulang sibuyas at P100 naman sa bawat kilo para sa puting sibuyas.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na napag-usapan ang konsepto ng “cold storage price” sa layuning pababain ang presyo ng sibuyas sa mga palengke, na umaabot ngayon sa P140 hanggang P150 kada kilo.

Inihayag din ni Evangelista na ang mga trader mismo ang nagkasundo na itakda ang presyong ito para sa mga sibuyas na kanilang iniimbak sa mga cold storage facility.

Batay sa huling tala ng DA, ang presyo ng lokal na pulang at puting sibuyas ay umabot na sa P160 hanggang P200 kada kilo sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa ngayon, wala pang tala ukol sa presyo ng mga inangkat na sibuyas na hindi kasalukuyang ibinebenta sa mga palengke.

Nitong nakaraang Biyernes, inanunsyo ng DA na binabalak nilang magpatupad ng Suggested Retail Price (SRP) para sa sibuyas, na inaasahang maipatutupad ngayong darating na Lunes, Mayo 22.

Ang DA ay naglalayong maipatupad ang SRP sa Martes. Kasabay nito, hinahanda na rin ng ahensiya ang pag-utos na mag-angkat ng puting sibuyas sa buwan ng Mayo, bilang aksyon upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas, tulad ng nangyari noong 2022. RNT

Previous articleICC nayanig sa resbak ng Russia
Next articleNo casualty sa M-4.8 Romblon quake – PDRRMO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here