Home NATIONWIDE ‘Coldest, saltiest’ ocean waters ng planeta, umiinit, naiiga – ulat 

‘Coldest, saltiest’ ocean waters ng planeta, umiinit, naiiga – ulat 

MANILA, Philippines- Umiinit at naiiga ang ocean water sa Antarctic, na nagbabadya ng “far-reaching consequences” para sa climate change at deep ocean ecosystems, ayon sa ulat.

Ang “Antarctic bottom water” ang pinakamalamig at pinakamaalat na tubig sa planeta. Malaki ang papel na ginagampanan ng katubigang ito sa abilidad ng karagatan na magsilbing “buffer” laban sa climate change sa pamamagitan ng pag-absorb sa excess heat at human-caused carbon pollution. Pinaiikot din nito ang nutrisyon sa karagatan.

Subalit sa Weddell Sea, sa northern coast ng Antarctica, lumiliit ang vital water mass dahil sa mga pagbabago sa hangin at sa  sea ice, ayon sa pag-aaral na inilathala ng British Antarctic Survey.

Gumagamit ang mga siyentipiko ng datos mula sa mga barko maging sa satellites upang suriin ang volume, temperatura at saltiness ng bahaging ito ng deep Antarctic Ocean.

“Some of these sections were first visited as far back as 1989, making them some of the most comprehensively sampled regions in the Weddell Sea,” pahayag ni Povl Abrahamsen, isang physical oceanographer sa BAS at co-author.

Napag-alaman nila na lumiit ang volume ng cold bottom waters ng mahigit 20% sa nakalipas na tatlong dekada. Gayundin, lumabas apat na beses na uminit angocean waters na mas malalim sa 2,000 meters (6,600 feet) kumpara sa natitirang parte ng global ocean.

“We used to think that changes in the deep ocean could only occur over centuries. But these key observations from the Weddell Sea show that changes in the dark abyss can take place over just a few decades,” pahayag ni Alessandro Silvano mula sa University of Southampton sa UK, co-author ng pag-aaral.

Ilan sa mga rason sa pagkaiga ng tubig ay ang pagbabago sa sea ice formation dulot ng paghina ng hangin, batay sa pag-aaral.

Mahalaga ang bagong sea ice sa pagpapalamig at pagpaaalat sa Weddell Sea. Kapag naging yelo ang tubig, itinutulak nito ang asin at kapag “denser” ang salty water, lumulubog ito sa ilalim ng karagatan.

Malakai ang nakaambang epekto ng mga pagbabagong ito sa karagatan. Mahalagang bahagi ito ng global ocean circulation, na nagdadala sa human-caused carbon pollution sa deep ocean kung saan ito nananatili sa paglipas ng mga siglo, base kay Silvano. Kapag humina ang deep circulation, “less carbon can be absorbed by the deep ocean, limiting the ability of the ocean to mitigate global warming,” ayon pa sa eksperto.

Bagama’t ang mga pagbabago na natukoy sa pag-aaral at resulta ng natural climate variability, malaki rin ang epekto ng climate change sa katubigan ng Antarctic.

Sa isang pag-aaral nitong Marso, napag-alaman ng mga siyentipiko na nagreresulta ang pagkatunaw ng yelo sa “dilution” ng alat ng karagatan at nagpapabagal sa sirkulasyon ng deep ocean water sa Antarctic. Kapag hindi nalimitahan ang planet-heating pollution, maaari itong mauwi sa pagtigil ng sirkulasyon ng deep ocean water, na may masamang epekto sa klima at marine life, batay pa sa ulat.

Ang bagong pag-aaral ng BAS ay “early warning” ayon kay Shenjie Zhou, isang oceanographer sa BAS at lead author ng pag-aaral. “The ongoing changes in the deep water layer in the Antarctic are already happening and it’s not heading in the direction that we want.” RNT/SA

Previous articleBabae, natagpuang tadtad ng saksak sa bakanteng lote
Next articleEx-Gen. Biazon, sinaluduhan sa Senado: ‘True officer and a gentleman’