Home NATIONWIDE College program para sa PDLs aarangkada na

College program para sa PDLs aarangkada na

MANILA, Philippines – Masisimulan na ang pag-aaral sa kolehiyo ng mga persons deprived of liberty o PDLs sa Davao Prison and Penal Farm Panabo City sa Davao del Norte.

Ang College Education Behind Bars (CEBB) sa Davao Prison and Penal Farm na may dalawang classroom, ay bubuksan na sa susunod na buwan.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapàng Jr, para sa School Year 2023-2024, ang Bachelor of Science in Entrepreneurship program ay may 20 enrollees para sa First Year College at 18 estudyante sa Fourth Year College.

Sa Senior High School department, may 40 enrollees para sa Grade 11, Grade 10, Grade 12.

May isa na ring estudyante ang naka-enroll sa Bachelor of Science in Agriculture Technology program.

Ayon kay Catapang, ang College Education Behind Bars (CEBB) ay pinondohan ng Dangerous Drugs Board (DDB), Commission on Higher Education (CHED) at donasyon ng Social Entrepreneurship Technology and Business Institute (SETBI).

Kumpiyansa si Catapang na mabibigyan na ng pagkakataon ang mga PDL na makapagkamit ng college education at makapag-uwi ng diploma at maging handa sa pagharap sa komunidad sa sandaling makalaya.

“Our PDLs are the most stigmatized members of the community and earning a degree will break that barrier,” ani Catapang.

Sa report ni CSINSP Edgardo F. Mendoza Jr., acting DPPF Superintendent kay Catapang, 7 PDLs student ang nakatapos na ng Senior High School Program para sa academic year 2021 – 2022, noong academic year 2022-2023, tatlong estudyante ang nakatapos ng educational level at sa ngayon ay malapit nang magkaroon nang makaka-graduate sa kolehiyo. Teresa Tavares

Previous articleVice Ganda, may hanash sa mga ireponsableng ama!
Next articleLakers inilampaso ng Suns