Handang- handa na ang Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco sa isang televised interview na 100 percent nang handa ang komisyon para magsagawa ng halalan para sa BSKE sa Oktubre 30.
Ayon pa sa tagapagsalita ng Comelec, halos 92 milyong balota na gagamitin sa botohan ang naimprenta na .Lahat ng election returns, statements of rules at katunayan aniya ay nakapag-impake na at handa na para sa pre-deployment.
Dagdag pa niya, itinakda na rin ng Comelec ang pagsasanay ng mga electoral board members sa Setyembre habang ang deployment ng balota at parapgernalia ay dapat gawin ilang araw bago ang election day.
Bukod dito, ang Comelec ay isinasapinal na ang venues ng pilot testing para sa mall voting sa buong bansa.
“The primary beneficiaries of this mall voting will be those residing in barangays with close proximity to the malls… Our countrymen should not commute going to the malls, it should be walking distance from their residences,”sabi ni Laudiangco .
Tinitignan aniya nila ang nasa milyong mall voting beneficiaries para sa pilot testing.
Samantala, bagamat pabor si Laudiangco sa pagsasagawa ng drug testing sa mga BSKE candidates, sinabi niya na nananatiling labag sa konstitusyon ang pag-uutos ng drug testing.
Nauna nang nanawagan si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa mga aspiring candidates na sumailalim sa drug testing.
Ayon naman sa Philippine National Police, mahigit 400 Barangay officials Ang iniulat na nasangkot sa illegal drug transactions na karamihan ay sa western Visayas.
Ngunit binanggit ni Laudiangco na maari pa ring tumugon ang mga kandidato sa nasabing panawagan sa pamamagitan ng boluntaryong drug testing .
“Voluntary drug testing is very much welcomed,” saad ni Laudiangco. Jocelyn Tabangcura-Domenden