Home HOME BANNER STORY Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte, ‘di pa kailangan – Garcia

Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte, ‘di pa kailangan – Garcia

Image Representation Only

MANILA, Philippines – Sa kasalukuyan ay hindi nakikitaan ng Commission on Elections (Comelec) na kailangang ilagay ang bayan ng Socorro sa Surigao del Norte sa ilalim ng Comelec control para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila ng mga alegasyon ng kulto laban sa isang organisasyon sa lugar.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nagbigay ito ng assessment sa en banc na walang dapat ipag-alala dahil binigyan aniya siya ng magandang assessment ng Comelec field personnel at ng AFP,PNP at Coast Guard.

Nitong Martes, sinabi ni Garcia na ang Caraga Region ay nananatiling nasa ilalim ng “green” category, bago ang BSKE.

Idinagdag na ang mga isyu na kinasasangkutan ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) ay walang kaugnayan sa paghahanda para sa botohan sa Oktubre 30.

Ang mga lugar na “green” category ay walang iniulat na security concerns o iniulat na mga alalahanin sa seguridad o mapayapa at maayos.

Gayunman, sinabi ni Garcia na susubaybayan ng poll body ang pagdinig ng Senado sa isyu, na nakatakdang magsimula ngayong Huwebes, Setyembre 28.

Ayon kay Garcia, ang SBSI community ay halos limang kilometrong layo mula sa pinakamalapit na eskuwelahan kung saan maaaring bumoto ang mga residente para sa BSKE.

Sa pagdinig sa Senado ngayong araw, aalamin ng Comelec kung maaaring maglagay ng election precinct sa Sitio Kapihan.

“Secured ba lahat ng mga tao natin na pupunta doon? Gusto nating tingnan ang mga bagay na yan lalo pa nga at medyo nagkakaron ng alingasngas na problema sa isyu na yan sa Socorro.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleReassignment sa 3K pulis na may kamag-anak na kandidato, ipinag-utos ni Abalos
Next article126K kaso ng dengue naitala mula Enero