Home NATIONWIDE Comelec hihirit ng pondo sa bayad sa paggamit sa school utilities sa...

Comelec hihirit ng pondo sa bayad sa paggamit sa school utilities sa 2025 poll

MANILA, Philippines – Naghahanap ng pondo sa ilalim ng 2025 national budget ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagbabayad ng school utilities na gagamitin para sa midterm polls.

Sa press conference, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na nasa Department of Budget and Manangement (DBM) ang kanilang proposal.

“Nasa DBM na po ‘yan, later on sa Kongreso, kung papayagan nil ana makapagbayad tayo nmg paggamit ng kuryente o paggamit man lang sa mga tubig, ‘yung billing ng tubig ng elementary school o ‘yung eskwelahan na gagamitin natin,” dagdag pa ni Garcia.

Sinabi ni Garcia na ito ay alinsunod sa kahilingan ni Vice President Sara Duterte na kasabay na nakaupo bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Maliban dito, muling iginiit ni Garcia ang pangangailangan ng karagdagang budget para sa honoraria ng mga guro na magsilbing miyembro ng electoral board sa 2025 midterm elections.

Para sa mga guro, sinabi ni Garcia na dapat mabigyan ng karagdagang P2,000 bukod pa sa regular na honoraria na nagkakahalaga ng P6,000 at P5,000 na ipinagkaloob sa kanila.

“Marapat lang na madagdagan natin sila again kahit P2,000 man lang bawat isa sa kanila.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMaintenance crew tiklo sa bantang pagpapakalat ng sex scandal ng ex-gf
Next articleClarin, Saito pakners sa ikauunlad ng bilyar