Home NATIONWIDE Comelec kinuwestiyon ni Koko sa mahal na renta sa counting machines

Comelec kinuwestiyon ni Koko sa mahal na renta sa counting machines

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagkabahala sa malaking halaga ng rental rates para sa tinatawag na “modern automatic counting machines” (ACMs) na itinutulak ng Commission on Elections (Comelec) na mabili para sa 2025 National and Local Elections.

“Under the proposed budget of the Comelec for the next fiscal year, a substantial portion amounting to P19.799 billion is allocated for the rental of these 127,740 ACMs, each costing P155,000 to lease, for the implementation of the 2025 midterm election,” wika ni Pimentel.

“To spend nearly P20 billion on the rental of automatic counting machines, with each machine costing P155,000 just to lease, is simply not wise, given our current financial situation,” dagdag ng senador.

Kinuwestiyon din ng Senate chief fiscalizer kung bakit lumobo ang presyo sa  P155,000 kada unit mula sa P70,000 bale sa nakaraang pronouncement ng komisyon.

“Why did it balloon to P155,000 per unit when the Comelec said last year the rent would only be P70,000 per unit?” tanong niya.

Batay sa naunang pronouncement ng Comelec sa Senado at sa iba’t ibang media outlets, Binigyang-diin ni Pimentel na iginiit ng komisyon na ang rental price ay P70,000 kada unit noon lamang nakaraang taon. Gayundin, sinabi niya na nauna nang inilahad ng Comelec na ang requirement lamang ay 97,000 ACMs para sa midterm elections.

“It suddenly increased by 121%. That’s quite a dramatic increase. I think Comelec has a lot of explaining to do,” patuloy niya. RNT/SA

Previous articleMaris, hate na hate ng kanyang nanay!
Next articleRemulla nais malinawan sa estado ng ICC membership ng Pinas