Home NATIONWIDE Comelec kinuwestiyon sa pagpabor sa Duterte-led PDP-Laban wing

Comelec kinuwestiyon sa pagpabor sa Duterte-led PDP-Laban wing

MANILA, Philippines- Kinompronta ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Lunes ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa desisyon nito na nagdedeklara sa Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinamumunuan ni dating President Rodrigo Duterte bilang tunay at opisyal na PDP-Laban party.

Sa plenary debates ng panukalang badyet ng poll body sa 2024, sinabi ni Pimentel, lider ng natitirang PDP-Labanfaction, sa Comelec na maging objective sa pagdedesisyon hinggil sa petisyon na ihain nito.

“Mahirap talagang maging referee sa isang activity na puro politiko ang nagbabanggaan. Ang role kasi ng Comelec to be the referee. Ang nagbabanggaan mga pulitiko. ‘Yung mananalo magiging mataas na opisyales pa ng gobyerno. That’s their difficulty,” giit niya.

“Sana ano lang tayo, you are now assisted by technology to objectively determine the will of the people, and I hope the leadership is also as objective as the machines, Mr. President. Walang kinikilingang pulitiko,” ani Pimentel.

Hindi partikular na binanggit ni Pimentel ang PDP-Laban, pero tinukoy hnito ang isang political party na maraming miyembro ang naglilipatan sa ibang grupo.

“Tignan niyo, ito na lang, tignan niyo ‘yung political party na dedesisyunan ninyo, ano na nangyari? Magiging banana republic tayo n’yan kung ang mga political party binibigay ninyo sa mga non-ideologues. Wala na, nagtalunan na!” ayon kay Pimentel.

“’Yung paksyon na pinanalo ng Comelec eh nagtalunan na. Sinabi ko naman sa inyo, the ideologue is here. We will become a banana republic kung pati ang decision makers natin sa Comelec nakatingin kasi sa personalities,” giit pa niya.

Kamakailan, nagtalunan ang halos lahat ng miyembro ng PDP-Laban, ni Duterte, sa Lakas-CMD, ang ruling party na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Pimentel na dapat magkaroon ng vote-counting machines na hindi ikokonsideera ang personalities.

Naghihintay ang grupo ni Pimentel sa desisyon ng Supreme Court hinggil sa petisyon laban sa ruling ng Comelec. Ernie Reyes

Previous articleSariling produkto suportahan – Villar
Next articleEconomic tie up saklaw sa security cooperation sa US – PBBM