Home NATIONWIDE Comelec kinwestyon sa pagtanggap ng nilagdaang people’s initiative forms

Comelec kinwestyon sa pagtanggap ng nilagdaang people’s initiative forms

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Senado ang “ministerial duty” ng Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng signature forms para sa people’s initiative dahil walang basehang legal, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Miyerkules, Enero 24.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na nakatuon ang kaso sa Comelec.

“Yes cases ‘directed’ at Comelec for receiving signatures from unknown entity and then executing ‘its ministerial duty’ of counting signatures. Why do they even have this ministerial duty? They don’t even know who they owe this alleged duty to. And for what purpose?” ayon kay Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na layunin ng kaso na mapatigil ang Comelec na ipatupad ang “ministerial duty,” ng ahensiya.

Naunang inihayag ng Comelec na tanging temporary restraining order (TRO) mula sa Supreme Court ang magpapatigil sa kanila na tumanggap ng signature forms mula people’s initiative.

Ayon pa sa Comelec na maaaring magtungo sa local Comelec office kung gusto nilang bawiin ang kanilang lagda.

Inilako ng ilang kongresista ang signature forms para sa people’s initiative kapalit ng P100 hanggang P3,000 ayuda gamit ang P14 bilyon na “nakalusot” na pondo ng Comelec nitong nakaraang budget season.

Layunin ng people’s initiative na aprubahan ang panukalang pag-isahin ang Kongreso sa pagboto sa anumang charter change kaya’t mawawalan o malulusaw ang kapangyarihan ng Senado na bumoto nang hiwalay alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Nitong Martes, ipinalabas ng Senado ang isang matinding manipesto na nagkokondena sa people’s initiative dahil tatanggalan ng kapangyarihan ang Mataas na Kapulungan sa lahat ng magpapabago sa 1987 Constitution.

Ayon naman kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ibinabasura ng Senado ang people’s initiative dahil mayroon itong “ill motive.”

“Wrong move ang kanilang ginawa dahil from the very start meron nang ill motive eh. Bad faith yung ginagawa nila dahil gusto nilang ikapon yung Senado. Gusto nilang gawing insignificant ang Senado,” ayon kay Dela Rosa.

Samantala, sinuspinde ng Senado ang deliberasyon sa Resolution of Both Houses No. 6, na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri na layunin na amyendahan ang economic provision ng 1987 Constitution.

“Sa pagkakaintindi ko sa desisyon ng at least majority of senators ay suspended po ang pag-tackle sa RBH6 of the Senate,” ayon kay Pimentel. Ernie Reyes

Previous articleJhames Joe, na-in love sa If ng Rivermaya, ire-revive!
Next articleAnti-piracy task force command itinurn-over ng PH Navy sa Brazilian Navy