MANILA, Philippines- Inatasan ng Commission on Elections ang law department nito na tumugon sa paniningil ng Impact Hub ng P15.3 milyon sa kabila ng kanselasyon ngikatlong bahagi ng debate sa Eleksyon 2022.
Ipinag-utos din ng Comelec sa fact-finding investigation panel nito na agad na magsumite ng rekomendasyon sa isyu, “identifying, if any, the laws and rules violated, and the personnel who committed such.”
Sa liham na may petsang April 27, 2023, sinabi ng contractor na umiiral pa rin ang memorandum of agreement kahit na ang poll body “decided to unilaterally reschedule and eventually cancel the debates.”
Nagbabala ang Impact Hub Manila na magkakasa ito ng “legal remedies under the law to recover the debt and to protect the company’s interest” sakaling hindi makatugon ang Comelec o makapaglatag ng payment arrangement sa sunod na limang araw mula nang matanggap ang notice.
Advertisement
Advertisement