Home NATIONWIDE Comelec mag-iisyu ng reso sa pagsuspinde sa proklamasyon ng kandidatong lumabag sa...

Comelec mag-iisyu ng reso sa pagsuspinde sa proklamasyon ng kandidatong lumabag sa poll rules

MANILA, Philippines- Maglalabas ng resolusyon ang Commission on Election (Comelec) na magsususpinde ng proklamasyon ng mga kandidato na lumabag sa rules at regulation ng komisyon.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na pag-uusapan nila ang suspensyon ng lahat ng proklamasyon ng lahat ng mga kandidato na humaharap sa premature campaigning, vote buying at illegal campaigning at plano itong ilabas sa Miyerkules, Oktubre 25.

Sinabi ni Garcia na ang hakbang na ito ng Comelec ay magpapakita sa mga kandidato na ang poll body ay seryosong nagpapatupad ng mga panuntunan sa halalan.

Kamakailan, naglabas ang Comelec ng show cause order laban sa mahigit 300 kandidato para sa Oktubre 2023 Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil sa umano’y mga paglabag sa kampanya.

Kabilang sa mga paglabag na maaaring mauwi sa pagsuspinde ng  proklamasyon ay ang mga campaign poster na higit sa itinakdang sukat at paglalagay ng kanilang campaign materials sa mga hindi awtorisadong lugar. 

Ang BSKE 2023 ay sa Oktubre 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCriminology student kinuyog ng grupo ng kalalakihan, patay!
Next articlePag-atras ng BSKE bets sa Abra tinatalupan ng PNP