Home NATIONWIDE Comelec naglabas ng alituntunin sa paglilipat sa Taguig ng 10 barangay mula...

Comelec naglabas ng alituntunin sa paglilipat sa Taguig ng 10 barangay mula Makati

MANILA, Philippines- Naglabas ng guidelines ang Commission on Elections (Comelec) para sa administrative transfer ng 10 barangay mula Makati City papuntang Taguig City para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre.

Sa isang memorandum na may petsang Agosto 19 na nilagdaan ni Director IV Consuelo Diola, sinabi ng Comelec na inaprubahan nito ang rekomendasyon ng law department nito na isaalang-alang ang mga barangay na sangkot sa land row bilang “bahagi ng Taguig City for the purposes” ng darating na halalan.

Pagkatapos ay naglabas ito ng mga rekomendasyon habang naghahanda ang Comelec para sa BSKE, kasama ang ilan sa mga tagubiling ito:

  • Kumuha ng kopya ng desisyon ng Korte Suprema

  • I-verify ang mga barangay na kasama sa paglipat

  • Magbigay ng bagong database ang Makati City na may server na nagpapakita ng mga pagbabago sa mga presinto

  • Maghanda ng isang detalyadong pamamaraan ng administratibong paglilipat

  • Mag-print ng mga bagong computerized na listahan ng mga botante

  • Makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya para sa mga paghahanda sa seguridad, pagpapatupad ng paglipat

  • Abisuhan ang mga apektadong botante ng paglilipat

  • Suriin ang mga bagong manpower requirement

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia noong nakaraang linggo na madali lang ilipat ang database ng Makati sa Taguig pero upang masiguro ang smooth transfer, sinabi niya na kailangan pa ring makipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Nauna nang sinabi ni Makati City Administrator Claro Certeza na kailangang kumuha ng writ of execution bago nito pormal na masakop ang mga apektadong barangay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDOLE namahagi ng P4.5M tulong 6 abaca farmers’ groups
Next articleBabaeng Taiwanese national na dinukot, ginahasa nasagip