Home NATIONWIDE Comelec nakapagtala na ng higit 400K bagong botante

Comelec nakapagtala na ng higit 400K bagong botante

MANILA, Philippines- Umabot na sa 406,371 ang mga bagong botante na nagparehistro para makalahok sa 2025 election.

Ang Region 4A ang may pinakamaraming registrants na mayroong 72,515 na sinundan ng National Capital Region na may 56,365, Region 3 na mayroong 44,794, Region 7 sa 34,374 at Region 11 na may 23, 718 base sa pinakahuling report ng Commission on Elections (Comelec).

Sa mga Rehiyon, ang Cordillera Administrative Region o CAR ang may pinakamaliit na bilang ng mga nagparehistro na nasa 4,635 lamang sa nakalipas na halos dalawang linggo.

Patuloy namang hinihikayat ng komisyon ang mga kwalipikadong botante na samantalahin ang mahabang panahon para sa pagpaparehistro upang makaboto sa 2025 Midterm election.

Tatagal hanggang Setyembre 30 ang voter registration kung saan target ng Comelec na makapagrehistro ng dalawang milyong bagong botante. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleParusa vs financial scammers hihigpitan ng Senado – Poe
Next articleP6.8M shabu nasamsam sa 2 suspek