MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Commission on Elections sa mga operator para magtatag ng voting sites sa humigit-kumulang 20 malls sa buong bansa para sa barangay at Sangguniang Kabataan polls sa Oktubre.
Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na karamihan sa mga mall ay malalaki na nasa 20 sa buong bansa ay inaasahan na madaragdagan pa ang bilang sa susunod na mga buwan.
Aniya, aabot sa isang milyong botante ang makikinabang sa mall voting pilot test.
Inaasahan ng poll body na mapataas ang bilang ng mga site sa 50 sa panahon ng midterm elections sa 2025.
Samantala, sinabi ni Laudiangco na handang-handa na ang Comelec para sa barangay-level election.
Ayon kay Laudiangco, humigit-kumulang sa 92 milyong balota na ang naimprenta.
Ang natitirang tasks ng Comelec ay ipamahagi ang mga ito kasama ang iba pang mga election paraphernalia sa mga rehiyon, gayundin ang mga guro at iba pang tauhan na magsisilbing electoral board members sa Oktubre 30.
Base sa latest calendar activities ng Comelec para sa darating na botohan, ang filling ng certificate of candidacy ay sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2, habang ang campaign period ay sa Oktubre 19-28. Jocelyn Tabangcura-Domenden