Home METRO Comelec nakipagpulong sa Manila LGU: Mga botanteng senior dapat may acknowledgement receipt

Comelec nakipagpulong sa Manila LGU: Mga botanteng senior dapat may acknowledgement receipt

MANILA, Philippines- Kailangang may acknowledgement receipt o Comelec stub ang mga senior citizen kapag nagpaparehistro.

Hindi rin agad kinokonsiderang botante ang isang senior hangga’t hindi pa naaprubahan ng Comelec dahil aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong buwan ang pag-apruba ng komisyon.

Upang mapatunayang rhgistradong botante na ng City of Manila ang isang senior, kailangang mayroong voter’s certification.

Ang mga nabanggit na paalala ay matapos ang isinagawang pagpupulong ng Comelec, Office of the Senior Citizen Affair o OSCA at Manila Department of Social Welfare o MSDW.

Ibinaba ang mga nasabing paalala o impormasyon ng pamahalaang lungsod sa mga barangay sa Maynila.

Nangangahulugang kapag walang acknowledgement receipt ay hindi botante at hindi kwalipimado para sa senior allowance.

Kapag may voter certification ay ituturing na rehistradong botante at kwalipikado para sa senior allowance.

Kasabay nito, ipinagbigay-alam na rin ng Manila LGU na hindi na tatatanggap ang OSCA ng barangay voters list kapag nag-aapply ng OSCA ID. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleInfra damage dulot ng Mindanao floods, landslides P2.6B na – NDRRMC
Next articleIlang bahagi ng EDSA isasara sa mga motorista para sa People Power anniv activities