Home NATIONWIDE Comelec naniguro sa pag-apruba sa Miru Systems – NAMFREL

Comelec naniguro sa pag-apruba sa Miru Systems – NAMFREL

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang election watchdog na ginamit ng Commision on Elections (Comelec) ang due diligence sa paggawad ng vote counting machine contract para sa 2025 polls sa South Korean firm na Miru Systems sa gitna ng ilang isyung binanggit ng mga observer.

Ayon kay National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) secretary-general Eric Jude Alvia, maraming tinukoy na mga isyu laban sa Miru ang mga observers at ibat-ibang miyembro ng technical committee dahil sa ulat na hindi maganda ang performace nito sa ilang bansa.

Pero aniya, sa kanyang tingin ay gumawa naman ng due diligence ang Comelec at in-assess sa election management body ng mga bansang ito na hindi naman totoo.

Nitong Huwebes, inanunsyo ng Comelec na ibinigay na ang kontrata para sa 2025 midterm election sa Miru Systems.

Samantala, pinuri ng Namfrel ang pinahusay na transparency sa automated election system para sa 2025 election dahil ang mga partidong pampulitika, sangay ng mga mamamayan at media ay direktang makakatanggap ng mga resulta mula sa makina nang walang transparency server.

Ipinaliwanag naman ni Comelec spokesperson JohnRex Laudiangco sa Dobol B na ang transparency, audit, at count sa bagong makina ay may malaking screen kung saan ang pagboto ay makikita sa screen kung ano ang pagkakabasa ng makina sa balota.

Sa P17.9 bilyong bid ng Miru, sinabi ni Laudiangco na nakatipid ang Comelec ng P800 milyon mula sa kanilang P18.8 bilyong budget.

Sinabi rin ng komisyon na plano nitong magrenta ng nasa 110,000 makina at peripherals kabilang ang ballot boxes, laptops, at iba pang printing requirements para sa 2025 elections.

Inalok ng Miru ang kanilang makina ng P149,000 bawat isa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSubpoena ng Senado natanggap na ng kampo ni Quiboloy
Next articleFacebook page ng Marikina na-hack