Home NATIONWIDE Comelec pinagpapaliwanag ng SC sa pagkansela ng rehistrasyon ng party-list group

Comelec pinagpapaliwanag ng SC sa pagkansela ng rehistrasyon ng party-list group

480
0

MANILA, Philippines- Pinagpapaliwanag ng Supreme Court ang Commission on Elections (Comelec) at iba pa kaugnay sa petisyon ng party-list group hinggil sa pagkansela ng rehistrasyon ng An Waray Part-List l.

Sa En Banc resolution, inatasan ang Comelec at sina Danilo T. Pornias at Jude A. Acidre na maghain ng komento sa loob ng 10 araw.

Una nang naghain sa SC ang An Waray Partylist ng Petition for Certiorari and Prayer for Temporary Restraining Order at kinuwestiyon ang resolusyon ng Comelec En Banc na inisyu nitong August 14,2023 na nagkansela sa pag-upo ng kanilang nominee noong 2013 National and Local Elections.

Ayon sa Comelec, nilabag ng An Waray ang election code isang dekada na ang nakalilipas. Nabigyan ng congressional seat ang kanilang second nominee na si Victoria Isabel Noel kahit walang certificate of proclamation mula sa Comelec.

Sa kanilang petisyon, iginiit ng grupo ang hurisdiksyon ng Comelec nang iutos ang kanselasyon ng kanilang grupo. Anila, ang House of Representatives ang may sakop sa mga kasong may kaugnayan sa kwalipilasyon ng kanilang miyembro. Teresa Tavares

Previous articleLTO nag-isyu ng show cause order vs Wilfredo Gonzales
Next articleUnang araw ng COC filing mapayapa – PNP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here