Home METRO Comelec sa bagong BSK officials: Magsumite na ng SOCE

Comelec sa bagong BSK officials: Magsumite na ng SOCE

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) sa Negros Oriental ang mga nanalo sa kamakailang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na maghain ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) o hindi pa nila maaako ang kanilang mga posisyon.

Ilang barangay at SK winners sa Negros Oriental at sa kabiserang lungsod na ito ay nanumpa ng kanilang tungkulin sa magkahiwalay na aktibidad noong Lunes.

“The oath of office for the winning candidates can be done anytime and anywhere after they have been proclaimed by the Comelec but what is not yet allowed is their assumption into office until they have secured a certification from the election officers in their towns or cities that they have filed their SOCEs,” sinabi ni Atty. Eliseo Labaria, acting provincial election supervisor.

Sa isinagawang mass oath-taking ng mga bagong barangay officials sa Negros Oriental na ginanap sa convention center , nanawagan si Governor Manuel L. Sagarbarria sa mga nanalo na maging tapat sa kanilang serbisyo publiko at tiniyak sa kanila ang kanyang suporta.

Nangako rin ng suporta si Dumaguete Mayor Felipe Remollo para sa mga bagong halal at muling nahalal na opisyal ng barangay dito sa isang seremonya sa Pantawan People’s Park.

Isang hiwalay na seremonya naman ang gaganapin para sa mga halal na pinuno ng SK sa kabisera.

Sinabi ni Labaria na habang nakabinbin ang pagkumpleto at pagsusumite ng mga SOCE at iba pang mga kinakailangan, ang incumbent officials ay magpapatuloy sa kanilang tungkulin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article2024 national budget, isinalang sa plenaryo ng Senado
Next articleBagong DA Sec. pabor sa produksyon kaysa importasyon