Home NATIONWIDE Comelec sa pagsuspinde ng proseso ng PI: Walang nag-impluwensya

Comelec sa pagsuspinde ng proseso ng PI: Walang nag-impluwensya

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na walang tumawag o nagpressure para suspindihin ang pagtanggap nila ng lagda para sa People’s Initiative (PI).

Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang pahayag sa kabila ng haka-haka na posibleng may nag-impluwensya sa kanila kaya itinigil ang proseso ng PI.

Paliwanag ng Comelec, nais lamang ng komisyon na maging klaro sa taumbayan kung ano ang mga panuntunan at patakaran para sa pagsasagawa ng Preparatory proceedings.

Hindi naman binanggit ni Garcia kung hanggang kailan sila hindi tatanggap ng mga lagda.

Ang People’s Initiative para isulong ang Charter Change o Cha-Cha ay mainit na pinag-uusapan ngayon na nilalayong amyendahan ang 1987 Constitution. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagrebyu sa economic provision ng 1987 Constitution, sisimulan na ng Senado
Next articleDA nagbigay ng P130M tulong sa mga magsasaka sa Cordillera