Home NATIONWIDE Comelec tatalima sa kautusan ng SC sa Smartmatic

Comelec tatalima sa kautusan ng SC sa Smartmatic

MANILA, Philippines – Tatalima ang Commission on Elections (Comelec) sa kautusan ng Korte Suprema sa Smartmatic.

Ito ang tiniyak ni Comelec Chairman George Garcia nang tanungin ang reaksyon sa resolusyon ng korte na nag-aatas na magkomento ito sa Petition ng Smartmatic para sa Certiorari (With Extremely Urgent Application for the Issuance of a Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Injunction).

Kailangan ding magkomento ang grupo ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Eliseo Rio Jr.

Binigyan ang Comelec at grupo ni Rio ng 10 araw para magkomento.

Binatikos ng Smartmatic ang desisyon ng poll body na nag-disqualify sa paglahok sa lahat ng procurement process ng Comelec.

Bagama’t hindi pa natatanggap ang kopya ng kautusan, sinabi ni Garcia na ang Commission on Elections ay mananatili sa kanilang pangako nitong sumunod sa mga direktiba ng Korte Suprema, at sa pagkakataong ito, ay kasama ang tulong ng Office of the Solicitor General.

Higit sa lahat aniya, ang Mataas na Hukuman ay walang nakitang matibay na dahilan para maglabas ng injunctive writ para pigilan ang pagpapatupad ng aming kinuwestiyon na resolusyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAksyon vs Chinese vessels sa Ayungin, maging maingat – PBBM
Next articleFishing groups, fisherfolk nanawagan sa full implementation ng Fisheries Code